Ang Pasko: Simbolo ng Kulturang Pilipino

Screen Shot 2012-12-13 at 12.30.58 AM

1

Ang Pasko ng Pilipinas ay hindi lamang nalilitaw sa pagiging pinakamahabang tradisyon sa buong mundo na nagsisimula sa Desyembre 16 hanggang Three King’s Day, kundi ay sumisimbolo ito sa isang natatanging kulturang Pilipino. Sa paglipas ng panahon, maraming bansa mula sa kanlurang bahagi ng mundo ay sumakop na sa ating bansa, at marami na rin ang dumalaw, kasapi ang maraming ninuno ng mga Xaverian diyan, ang mga Tsino, at labis nitong naimpluwensyahan ang ating kultura. Masasabi natin na hindi naman pagiging natatangi ang maimpluwensyahan ng maraming bansa, ngunit masasabi ko pa rin na totoo ang una kong pahayag, dahil ang pagkakaroon natin ng iba’t ibang kulturang pinagsama-sama sa isa, ay ang nagbibigay sa atin ng kakaibang anyo ng kultura.

Ang natatanging kulturang ito ay labis nating makikita sa mga usual nating gawain tuwing pasko. Una, ang mga Kastilla. Malaki ang naging impluwensya ng mga tatlon-daang pananakop ng mga Kastilla sa ating pagdiriwang ng Pasko. Kung wala ang mga Kastilla, ni-Pasko, ay wala tayo, dahil sila ang nagpakilala sa atin ng Katoliko. Sa simula pa lamang ng ating pasko, nariyan na ang pagpupunta sa mga simbang gabi (Misa de Aguinaldo sa Kastilla, at Gift Masses sa Ingles) na idinaraos tuwing madaling araw ng Desyembre 16 hanggang 24. Nagmula pa ito sa Mexico, at dinala ito sa atin ng mga Espanyol. Nagtatapos ang Misa de Aguinaldo sa madaling araw ng Desyembre 25 kung saan isinasagawa ang Misa de Gallos. Pagdating ng Pasko, nariyan ang sikat na sikat na noche buena, muli, nagmula sa Espanya. At, ilan rin sa mga pagkarin tulad ng hamon, queso de bola, puto bumbong, bibingka, ay namula rin sa bansang iyon. Talagang litaw na litaw ang impluwensya ng mga Kastilla sa ating pasko. Ngunit, ang isa sa pinakaimportante sa lahat, ay ang simbolo rin na kasabay ng mga gawaing ito. Ang mga ito ay sumisimbolo ng isang Pilipinong madasalin. Ang mga Misang dadaluhan, ay magpapalakas ng ating pananalampalataya. Ang sama-samang pagkain sa noche buena ay simbolo ng pagkakaisa ng Panginoong diyos sa kanyang mga apostole at pati sa atin. At, ang isang masayahing pasko, ay simbolo ng isang masayang pagtanggap sa pagdating ng minamahal nating si Hesukristo.

Hindi pa diyan nagtatapos. Ang mga Tsino rin ay maraming impluwensya sa atin. Una, sa pagkain, tuwing noche buena, naidagdag na rin diyan ang pancit.  Ang pancit ay simbolo ng mahabang buhay para sa mga Tsino. Sa bisperas ng Bagong Taon (parte pa rin ng Pasko ng Pilipino), marami sa atin ang nagpapaputok, isang gawain upang mapaalis daw ang mga masamang espiritu. At, tuwing mga selebrasyon, nagsusuot tayo ng pulang damit, upang maipahiwatig ang pagsasaya. Ang mga Amerikano naman, kahit kaunti, ay may naibigay na rin sa atin. Kabilang dito ay ang paglalagay ng mga Christmas Tree, mga dekorasyon, at caroling. Hanggang ngayon, ito pa rin ang mga napapakulay ng ating pasko.

Ang mga impluwensya ng iba’t ibang bansang natalakay ay pawang nagbibigay sa atin ng profile ng isang Pinoy: isang masayahin, madasalin, at may katangi-tanging kultura.

Image taken from http://1.bp.blogspot.com/_CwSYMd9KuCE/SUCNTj9MW3I/AAAAAAAAC6A/UerLal_CGyc/s400/DSC_0024.jpg

Screen Shot 2012-12-13 at 12.19.55 AM

Share us you think!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s