Mahalagang Bagay na Nalilimutan

Screen Shot 2012-12-13 at 12.30.58 AM
Parols_For_Sale

Palapit na ng palapit ang Pasko. Kay ganda ng mga tanawin ng bawat mga bahay. Iba’t-ibang ilaw pamasko at dekorasyon ang mga nakasabit sa mga bahay, kay sarap talaga itong tingnan. Ang karamihan sa atin ay naghahanda na ng mga regalo na ipapamigay pero ang iba sa atin ay nagbigay na nga ng mga pasalubong para sa ating mga pamilya, kaibigan at iba pang taong mahahalaga sa ating buhay. Ngunit, parang tayo’y mayroong nakakalimutan na mahalagan bagay ngayon buwan ng Pasko.

Lahat tayo’y halos hindi na makapaghintay para sa araw ng Pasko. Alam kasi natin na tayo’y makakatanggap ng maraming iba’t-ibang klaseng mga pasalubong para sa araw na iyon. Tayo rin ay magdiriwang sa araw na iyon kasama ang ating pamilya. Higit pa sa lahat, bilang mga estudyante, tayo’y masaya dahil ang panahong ito ay isang mahaba-haba na rin na bakasyon. Oo, tama nga tayo na ang Pasko ay ang panahon ng pagdiriwang, pagsasalo at pagsasaya kasama ng mga mahahalagang tao sa ating buhay. Tama rin tayo na ito’y isang panahon kung saan tayo, bilang mga estudyante, ay makakapagpahinga ng mahabahaba. Ngunit, karamihan sa atin ay nakalilimut sa mga taong wala masyadong kakayahan sa buhay, ang mga taong naghihirap. Habang tayong mayroong kakayahan sa buhay ay nagsasaya sa araw ng Pasko, malaman ay nalilimutan natin na mayroong mga iba na naghihirap sa araw kung saan ang lahat ay dapat masaya dahil ito ang araw na sinilang ang ating Panginoon. Hindi naman siguro imposible para sa atin na walang magawa para sa ating naghihirap na kababayan, kahit simpleng pag-abot ng mumunting bagay ay magbibigay na sa kanila ng kaligayahan.

Ang araw ng Pasko ay panahon talaga upang tayo’y magsaya kasama ang ating mga minamahal sa buhay. Kay ganda ng kapaligiran tuwing Pasko ngunit ito ay halos para sa ating mayroong kakayahan sa buhay. Sa kabila ng lahat ng kasayahan, huwag sana natin kalimutan ang ating ibang mga kababayan na hindi pa siguro nakakatikim ng saya tuwing Pasko. Gawin sana nating kakaiba ang kanilang Pasko ngayon sa pamamagitan ng pagtulong. Hindi ba’t dapat lahat ay masaya tuwing Pasko?

Image taken from http://1.bp.blogspot.com/-q7cUF0fk6Y8/Tt2YPxmT5bI/AAAAAAAAEDY/DXrCeOnqlMs/s1600/Parols_For_Sale.png

Screen Shot 2012-12-13 at 12.19.55 AM

Share us you think!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s